-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Handa na ang Lokal na Pamahalaan ng General Santos para sa isasagawang Earth Hour mamayang gabi.
Ayon kay Allan Marcilla, Department head ng City Environment and Natural Resources Office(CENRO) ng lungsod, may inilibas na kautusan si City Mayor Lorelie Pacquiao sa mga opisina para makiisa sa naturang aktibidad.
Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pag-turn off sa mga ilaw sa loob ng 1 oras na makakagawa ng pagbabago dahil makokonserba ang kuryente.
Ang Earth Hour ay oobserbahan mula alas-8:30 ng gabi hanggang alas 9:30 ng gabi na lalahokan naman ng General Santos City Police Office, mga establisiemento .