Hinimok ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas partikular ng kanilang Business Permit and Licensing Office ang mga lokal na negosyante sa lungsod na kaagad mag renew ng kanilang business permits ngayong taon.
Ayon sa LGU ng Las Pinas , hanggang Enero 22 na lamang ang deadline nito.
Maaring magtungo sa Business Permit and Licensing Office sa City Hall ang mga negosyanteng nais na magrenew ng kanilang mga business permit o kaya ay magtungo sa kanilang satellite office sa isang kilalang mall sa lungsod.
Kailangan rin aniya na matapos ang buong proseso bago ang deadline.
Tiniyak naman ni Las Pinas Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar na magpapatuloy ang kanilang serbisyo para maging convenient ang pagbabayad ng kanilang mga permits sa lungsod.