-- Advertisements --
Nakahanda na ang mga tulong na ipapamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa kanilang mga residente na naapektuhan ng sunog na sumiklab kahapon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Christine Abas Ding, barangay captain ng naturang lugar, ang tulong na ito ay bilang pag-alalay sa mga nasunugan na naapektuhan ng insidente.
Dinagdagan na rin aniya ng lungsod ang mga tent na magagamit ng mga residente na talagang natupok ang bahay.
Namamahagi rin sila ng mga hot meals sa mga biktima.
Batay sa datos , aabot sa 700 na pamilya at 200 na kabahayan ang naapektuhan ng sunog mula sa apat na komunidad ng naturang barangay.
Kung maaalala, hindi kaagad naapula ang apoy dahil nahirapan ang mga bumbero dahil sa masikip na lugar.