-- Advertisements --

Papalo sa mahigit 9,000 trabaho ang ihahatid ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pagbubukas nito ng Mega Job fair kasabay ng Labor Day sa May 1.

Sa isang pahayag, sinabi ng QC LGU, aabot sa 100 na mga kumpanya ang mag-aalok ng job opportunities sa loob at labas ng Pilipinas.

Ito rin ang pinakamalaking job fair expo na pinangasiwaan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Ang naturang kaganapan ay pangungunahan ng QC Public Employment Service Office sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment.

Maaaring magtungo ang mga job seekers sa City Hall Risen Garden habang bukas ito mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Samantala, nilinaw rin ng mga organizers na bukas ang job fair na ito maging sa mga non-QC residents.