Aabot sa 20 na karagdagang mga air sensor ang inilagay ng lokal na pamahalaan ng QC sa iba’t ibang parte ng siyudad.
Ayon sa LGU, ang hakbang na ito ay makatutulong upang ma monitor ang lagay o kalidad ng hangin sa lungsod.
Bukod dito ay makakatulong rin ito upang mabigyan ng proteksyon ang mga kalusugan ng kanilang mga residente.
Sinabi ng LGU, na ang datos na makukuha ng naturang mga sensor ay siya namang gagamitin batayan upang makabuo ng mga kaukulang polisiya at mga proyekto na tutugon sa air pollution problem.
Binigyang diin naman ni QC Mayor Joy Belmonte na kanilang ikinabit ang mga air sensor sa mga paaralan, kalsada, ospital, simbahan at iba pang mga lugar.
Aniya, nakabatay ito sa Air Quality Management Plan ng kanilang LGU na siya namang bahagi ng commitment nito sa C40 Clean Air Cities accelerator.
Batay sa datos, aabot sa kabuuang 40 air sensor ang naka install sa iba’t ibang lugar sa lungsod.