-- Advertisements --

Nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog kamakailan partikular sa Barangay Damayang Lagi.

Personal na namahagi ng tulong si Mayor Joy Belmonte sa 212 pamilyang nasunugan sa naturang lugar.

Bawat mag-ari ng bahay na naapektuhan ng sunog ay nakatanggap ng ₱10,000 at sa sharer at renters ay umabot naman sa ₱5,000.

Kung maaalala, nagpaabot na rin ng food packs at mga essential kit sa mga nasunugan ang kanilang lokal na pamahalaan.

Sa naturang sunog , aabot sa tatlo ang naitalang sugatan.

Isang oras matapos na magsimula ang sunog pasado alas 10n ng umaga ay nagdeklara ang BFP ng Task Force Alpha.