Dahil sa nararanasang kakulangan ng supply ng tubig sa ilang barangay sa lungsod ng Taguig, nagsagawa ito ng pagrarasyon ng tubig kahapon.
Kabilang sa mga barangay na hinatiran ng rasyon ng tubig ay ang Barangay Pinagsama at Post Proper Southside.
Naging matagumpay ito sa tulong na rin ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) na nagpagamit ng kanilang truck para sa naturang operasyon.
Ikinatuwa naman ng Taguig LGU ang pagpayag ng Manila Water na mabigyan ng metro ang aabot sa 200 na kabahayan na konektado sa linya ng mismong pinagmumulan ng suplay nito
Nagbigay rin ng go signal ang Bases Conversion and Development Authority na maikabit ang naturang mga metro sa loob ng mga natukoy na Barangay.
Inaasahan naman ng lokal na pamahalaan ng Taguig na masolusyunan nito ang problema sa suplay ng tubig sa naturang lugar.