-- Advertisements --

ROXAS CITY – Sumailalim na sa medical examination ang 72-anyos na lola at 9 na taong gulang na apo matapos diumano ginahasa sa kanilang bahay sa isang bayan sa lalawigan ng Capiz.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Roxas mula kay Kapitan Rolando Unasin na kaagad nadakip ang suspek na kinilalang si alyas Teleboy 43-anyos.

Ipinahayag na lasing diumano ang suspek ng ginawa ang panggagahasa sa maglola dahil bago ang insedente ay bumili pa sa tindahan ng alak si Teleboy.

Napag-alaman na nakulong na noon ang suspek sa kasong rape ngunit, nakalabas lamang.