-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Napuno ng ngiti ng mga lolo at lola ang barangay covered court ng bawat barangay sa Kabacan, Cotabato.

Ito ay matapos na magkaloob ang lokal na pamahalaan ng Kabacan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ng tig-limang kilo ng bigas na aabot mahigit 5,000 senior citizen.

Kasama ang mga municipal Heads, sinuyod ng mga ito ang mga lolo’t lola ng bayan.

Samantala, nilinaw ni MDRRM officer David Don Saure na sa mga darating na araw ay pamamahagi rin ng bigas sa mga senior citizen sa Brgy Poblacion sa bayan ng Kabacan.

Paglilinaw ni Saure, kaya hindi isinabay ang Brgy. Poblacion ay upang mabigyan ng isang araw na pamamahagi sa mga lola at lolo lalo pa’t mas marami ang bilang ng senior citizen sa town proper.

Lubos namang nagpasalamat ang Senior Citizen Affairs sa bayan ng Kabacan at nabigyan sila ng bigas ng alkalde sa isang espesyal na araw na inilaan sa kanila.