-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Dead on arrival sa pagamutan ang isang 70 anyos na lola ng saksakin ng kanyang mister sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Leonides Lupian Tuadles habang ang suspek naman na kanyang sariling mister ay kinilalang si Leonardo Empanado Tuadles, 72 anyos na mga residente ng Purok 10 Brgy Poblacion Makilala North Cotabato.

Ayon kay Makilala Chief of Police,Major Arniel Melocotones na nag-aaway umano ang mag-asawa na humantong sa pananaksak.

Sina Lola at Lolo ay kapwa dinala ng kanilang mga kamag-anak sa Midway Hospital sa bayan ng Makilala ngunit dineklarang dead on arrival ng mga doktor ang biktima habang ligtas naman ang suspek na nagsaksak sa kanyang sarili.

Inamin naman ni Lolo Leonardo na hahalik sana siya sa kanyang misis ngunit hindi ito pumayag kaya nag-away sila.

Sa sobrang galit ng suspek ay sinaksak niya ang kanyang asawa dahil nagdilim na umano ang kanyang paningin.

Sobrang nagsisi naman si Lolo Leonardo sa kanyang ginawa dahil mahal niya ang kanyang asawa.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility sa Makilala PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.