KORONADAL CITY – Emosyunal na nagpasalamat sa Bombo Radyo Philippines ang isa sa libu-libong benepisyaryo ng Bombo Medico 2019 matapos na makakuha ng libreng wheelchair.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Estrella Molina, 74, residente ng Prk Sampaguita, Brgy Saravia, Koronadal City malaking tulong ang wheelchair na natanggap nito dahil halos 20 taong na itong hindi nakakalakad ng maayos.
Ayon kay Molina, maaga pa lang nang dumating na sila venue sa Koronadal National Comprehensive High School si Gng Molina kasama ang kanyang 79-anyos na asawa.
Hindi rin inalintalan ng mga ito ang masamang lagay ng panahon upang makapunta sa Bombo Medico 2019.
Wala ring pagsidlan ang kasihayan ng matanda dahil sa unang pagkakataon, magkakaroon na ito ng wheelchair sa pamamagitan ng Bombo Radyo Koronadal.
Magagawa na umano nitong makapamasyal sa ibang lugar at makakakilos ng maayos dahil sya natanggap nitong libreng wheelchair.
Bumuhos ang mga indigent beneficiaries nitong araw galing sa iba’t ibang lugar sa South Central Mindanao para makibahagi sa Bombo Medico 2019.