-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Sugatan ang isang lola sa Lungsod ng Bacolod makaraang hinanap ang kanyang mga apo sa gitna ng nasusunog na bahay.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Carmelita Tornos ng Purok Marapara, Barangay Bata, Bacolod City, sumigaw ang kanilang mga kapitbahay na may apoy sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nataranta raw ang kanyang manugang at sumigaw na nasa second floor ang kanyang mga anak kaya inakyat ito ng lola.

Dahil malaki na ang apoy at nakarating na sa hagdan, napaso ang dalawang braso ng lola, pati na rin ang kanyang pisngi at ilong.

Kinalaunan, natagpuan ang mga bata sa labas ng bahay at ganoon nalang ang pasasalamat ng lola.

Dinala ito sa ospital at nasa stable nang kalagayan sa kabila ng second degree burn.

Sa kabuuan, 15 bahay ang totally-burned habang apat naman ang partially-burned kasunod ng sunog kahapon.