-- Advertisements --

COTABATO CITY — Sa masaklap na paraan natapos ang buhay ng isang 74 anyos na lola matapos na mabundol ito ng rumaragasang Toyota Fortuner SUV sa daan na sakop ng Barangay Tamontaka, DOS Maguindanao Norte dakong 10pm kagabi, araw ng Lunes.

Sa report ng pulisya kinilala ang biktima na lola na si Bebeng Manlangit, 74 habang ang drayber ng SUV na nakasagasa dito ay si Al Fahid Pandapatan, 23 anyos lamang at residrnte ng Bagua 2 lungsod ng Cotabato.

Napagalaman sa ulat sa pulisya na tumatawid lamang ang lola ng mabundol ito ng minamanehong sasakyan ni Al Fahid.

Dead on Arrival ng isugod sa hospital ang nasabing biktima at dahil sa pangyayari, nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang nasabing drayber.