-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang lola at kritikal naman ang apo nito matapos nasagasaan ng ambulansya sa Barangay Tiring, Cabatuan, Iloilo.

ambulance iloilo

Ang biktima ay kinilalang sina Elena Muyuela, 71, at kanyang dalawang taong gulang na apo na si Toto, mga residente ng Barangay Pungtod, Cabatuan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Capt. Myles Dieron, hepe ng Cabatuan Municipal Police Station, sinabi nito na maghahatid sana ng pasyente sa Iloilo City ang ambulansya na minamaneho ni Michael Castroverde ng San Nicolas, Calinog ng masagasaan ang tumatawid na maglola.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Cabatuan Municipal Police Station ang driver ng ambulansya at dinala naman sa Iloilo City ang pasyente nito.