-- Advertisements --

Patay ang isang 87-anyos na lola matapos na hindi makalabas sa nasusunog nitong bahay sa Valenzuela compound sa lungsod ng Paranaque.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nirespondihan nila ang sunog pasado ala una kaninang umaga.

Iitnaas pa sa ikalawang alarma ang nasabing sunog kung saan mahigit dalawang oras bago tuluyan itong maapula.

Aabot naman sa mahigit 20 kabahayan ang natupok ng apoy sa lugar.

Inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng nasabing sunog.