-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Patay ang isang lola na may sakit matapos ang naganap na sunog sa kanilang bahay, dakong alas-5:00 ng madaling araw ng Sabado de Gloria, Abril 19, 2025 sa Barangay Man-up, Altavas, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Flora Palmani, 78-anyos na nakulong sa kanilang nasunog na bahay sa nasabing lugar.

May sakit umano si Flora at dalawa lamang sila ng kaniyang kapatid na si Nenita Palmani, 73-anyos sa kanilang old house nang mangyari ang sunog.

Gawa sa mixed materials ang bahay at medyu may kalumaan na kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.

Batay sa imbestigasyon, sinabi ni FO1 Aljon Lambarte, arson investigator ng Bureau of Fire Protection (BFP-Altavas) na masyado nang malaki ang apoy pagdating nila sa lugar.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na ni-respondehan ng BFP-Balete ag Batan.

Dagdag pa ni FO1 Lambarte, sinikap ng mga kapitbahay ng dalawang matanda na mailigtas sila ngunit hindi na nailabas si nanay Flora na isang bedridden.

Tinatayang nasa P2.2 milyon pesos ang danyos ng nasabing sunog.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP sa nasabing insidente.