Mas gugustuhin na lamang daw na manood ni Lolit Solis ng Koreanovela kaysa pagtiisan panoorin ang kumalat na video scandal ni former Apo Hiking Society member Jim Paredes.
Ito ay kung saan makikita sa nasabing video na pinaglalaruan ang kanyang sarili habang dumidila-dila pa sa harapan ng camera.
Ibinahagi ni Lolit sa isang post ang inis at pandidiri nito sa beteranong aktor.
Malalim ang hugot ni Lolit sa isyu dahil minsan na siyang tinawag noon na isang “demented woman” ni Jim at tinawag na “kanser sa lipunan” ang alaga nito na si Bong Revilla.
May kinikimkim din na inis si Arnell Ignacio laban kay Paredes na isa sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kung matatandaan, hinamon ni Arnell sa isang debate ang OPM legend dahil hindi nito nagustuhan ang ginawang pagpapaalis ng beteranong mang-aawit sa mga batang supporters ni Duterte na dumalo sa 31st EDSA revolution anniversary.
Samantala, inanunsyo naman ng panganay na anak ni Jim Paredes na si Erica Paredes ang pansamantalang pagpapahinga muna nito sa mundo ng social media.
Hinala naman ng nakararami na ang pagkalat ng malaswang video ng kanyang ama ang tunay na dahilan ng dalaga.