-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lolo matapos pagbabarilin sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Isagani Argosino, 63-anyos, residente ng Sitio Birhenan Barangay Manggalang 1 sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nagtatrabaho sa isang furniture shop ang biktima nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima dahilan nang agaran nitong kamatayan.

Dagdag pa rito, narekober pa sa crime scene ang tatlong piraso ng fired cartridge case at dalawang piraso ng fired Bullets mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Samantala, mabilis namang nakatakas ang suspek matapos ang krimen at pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad.