-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Magsasampa ng affidavit of complaint ang isang alyas Tonton dahil sa pagsasamantala ng isang grupo ng mga bading sa kanyang apo.

Ayon sa mga nabanggit, nagkatuwaan lang noon ang kanyang apo kasama ang mga kaklase sa isang establisyemento na matatagpuan sa Glan, Sarangani Province.

Nabatid na nag-inuman ang mga ito nang makita sila ng grupo ng mga bading sa kabilang mesa.

Noog lasing na ang grupo ng magkaklase agad na nagsiuwian ang mga ito maliban sa apo ni alyas Tonton na inalokan ng isang alyas Darryl, isa sa mga bading na nandoon, na sumakay na lamang sa kanyang motorsiklo at siya na ang bahala dito.

Pero sa halip na iuwi sa pamilya nito, dinala siya sa isang hotel sa nasabing lugar at dito sinamantala.

Ayon pa sa salaysay ng complainant na hindi nagtagal, dumating din sa hotel ang isa pang grupo ng mga bading at muling minolestya at pinagsamantalahan ang kanyang apo.

Nabatid na aktibong guro ang bading na si alyas Darryl at menor de edad naman ang apo ng complainant.