-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Himas-rehas ngayon ang isang Lolo na sangkot sa panggagahasa sa isang 4 anyos na batang babae at nahuli sa Kidapawan City.

Nakilala ang suspek na si Daniel Ordas,78 anyos at residente ng Barangay Pisan Kabacan Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold Ramos na nakita ng isang myembro ng Advocacy Support Group ang suspek sa tanggapan ng SSS sa Kidapawan City at agad na isinumbong sa mga otoridad.

Hinuli ng mga pulis ang suspek sa apat na kasong Statutory Rape na pinirmahan ni Hon. Henelinda J Molina-Diaz, Presiding Judge ng 12th Judicial Region, Regional Trial Court (RTC) Branch 61, Kidapawan City.

Sinabi ni Kidapawan Chief of Police Lieutenant Colonel Peter Pinalgan na dalawang taong nagtatago ang suspek sa Lungsod dahil sa pangagahasa sa apo ng kanyang dating kinakasama.

Naaresto si Ordas sa pinaigting na pagpapatupad ng OPLAN IRON CLAD at sa bisa ng warrant of arrest sa kasong panggagahasa.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Kidapawan City PNP.