-- Advertisements --

DAVAO CITY – Naisampa na ang kasong rape with homicide sa Eden Police Station 19 sa pamamagitan ng regular filing procedure laban kay Erinio Limocon Ado, ang 60 anyos na lolo na siyang itinurong gumahasa at pumatay sa 12 taon gulang na batang babae na si Alyas Noreen sa Sibulan Toril noong Disyembre 4.

Ayon kay Davao City Police Office Spokesperson Police Major Catherine Dela Rey, ang suspek ay ang ama mismo, ng ina ng biktima na OFW sa Riyadh.
Todo tanggi naman si Ado sa alegasyon, kahit na, siya ang itinurong salarin ng mga saksi at ebidensya na nakalap ng kapulisan. Kasama din si Ado sa apat na mga person og interest na una ng ibinunyag ng PNP nitong nakalipas na linggo. Pero hinihintay pa ang warrant of arrest upang madakip ang suspek.

Inaantabayanan din sa ngayon ng otoridad ang resulta ng DNA Test na ipinadala sa Camp Crame sa Quezon City. Sa kasalukuyang nakaburol ang labi ng biktima sa Sibulan, Toril, Davao City habang hinihintay ang pagdating ng ina mula sa Riyadh.

Maalalang, hinalay at pinatay si Noreen sa pamamagitan ng asphyxia by manual strangulation at suffocation sa Sibulan, Toril nitong lungsod. Nadiskubrehan ang bangkay ng biktima sa isang creek sa nasabing lugar noong Desyembre 4 nitong kasalukuyan.