-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naagnas na bangkay ng isang lolo na natagpuan sa loob ng distribution canal ng irigasyon sa sa Brgy. Malasin bayan ng Bangui.

Ito ang ipinaalam ni PMaj. Ramil Llaranes, hepe ng Philippine National Police-Bangui.

Ayon kay Llaranes, nakilala ang biktima na si Germenio Rivera, 84 taong gulang, walang asawa, pipi at bingi, hindi makalakad at residente ng Brgy. Lanao sa nasabing bayan.

Sinabi ni Llaranes na base sa resulta ng paunang imbestigasyon, nabahala ang mga magsasaka sa Brgy. Malasin dahil sa tila hirap na pag-agos ng tubig sa irigasyon.

Aniya dahil dito ay nagtungo ang mga magsasaka sa irigasyon nubit ang inakalang basura na nakabarado sa distrution canal ay isang naagnas na bangkay.

Una rito, ipinaalam ni Llaranes na disyembre noon nakaarang taon na nawala an biktima kasabay ng paksalanta ng malakas na ulan ng kanilang lugar.

Dahil ditoy, sinabi ng hepe na posibleng natangay ng malakas na tubing ang biktima mula sa tirahan nito sa Brgy. Lanao hanggang sa napadpad ang kanyang bangkay sa Brgy. Malasin.

Samantala, ayon ken Llaranes, nadetermina ng pamilya ang biktima sa pamamagitan ng suot nitong jacket at relo.

Dagdag niya na walang nakikitang foulplay sa pagkamaay ng biktima.