CENTRAL MINDANAO-Masayang nagdiwang ng kanyang ika-100 taong gulang na kaarawan ang isang centenarian na tumanggap ng P100,000.00.
Siya ay si Tatay Magdara Gulang Marohom na taga Barangay Poblacion 3 Midsayap Cotabato.
Personal na ibinigay ni Municipal Social Welfare and Development Officer John Karlo Ballentes kasama ang ilang opisyales ng barangay at iba pang kawani ng ahensya ang handog ng gobyerno para kay Tatay Magdara.
Maliban sa cash incentive ay nakatanggap din si Tatay Magdara ng felicitation letter na pirmado mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pagbibigay ng centenarian cash gift ay alinsunod sa Republic Act No. 10868 “An Act Honoring and Granting Additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarias and For Other Purposes”or the Centenarians Act of 2016.
Malaki naman ang pasasalamat ni Tatay Magdara sa kaniyang natanggap na cash incentive na makakapagtustos sa kaniyang gastusing medikal at iba pang pangangailangan.