-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Namatay ang isang lolo matapos na mahulog mula sa puno ng santol na kaniyang inakyat para sana ilagay na pampaasim sa kinilaw na isdang bolinao sa Barangay Tigbauan, Madalag, Aklan bandang alas-9:00 ng umaga, araw ng Huwebes, Agosto 1.

Naisugod pa sa Madalag District Hospital ang biktimang si Margarito Nama, 60, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar matapos na mabagok ang kaniyang ulo.

Batay sa report, inakyat ng biktima ang puno ng santol upang kumuha ng bunga nito matapos na maisipang kikilawin ang kaniyang nabiling bolinao.

Ngunit, posible aniyang nakaabot siya sa mataas na bahagi ng puno at dito ay nakaapak ito sa marupok na sanga dahilan upang mahulog.

Unang tumama ang kaniyang ulo na naging dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.