-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Dead on the Spot ang isang lolo matapos na mabiktima ng hit and run sa Bagnos, Aurora, Isabela.

Ang nasawi ay si Leonardo Barbosa, 81 anyos residente ng Brgy. Dalig Kalinga, Aurora, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Aurora Police Station nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned Citizen kaugnay sa isang aksidente at katawan ng lalaki na nasa gilid ng daan.

Agad tumugon ang mga kasapi ng Rescue 811 at mga kasapi ng Aurora PNP.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Samantala nakatakda namang isailalim sa Autopsy ang biktima upang matukoy ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakilanlan sa tsuper ng sasakyang nakabangga sa biktima.