-- Advertisements --

LEGAZPI CITY — Patay ang isang senior citizen matapos na mabangga ng isang kotse sa Barangay Tuburan, Lungsod ng Ligao sa Albay.

Kinilala ang biktima na si Antonio Pantares Moises, 82-anyos at residente ng nasabing barangay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na naglalakad sa tabi ng kalsada ang biktima nang aksidenteng mabangga ng kotse ni Cesar Mark Gonzales Lausingco, 26-anyos, residente ng Polangui at casual employee sa Polangui Municipal Hall.

Papunta sana ang nasabing driver sa lungsod ng Legazpi nang maganap ang aksidente.

Tinangka pang iligtas ang matanda ngunit idineklara itong patay nang makarating sa ospital.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Ligao City Police ang suspekna mahaharap sa kaukulang kaso.