-- Advertisements --

NAGA CITY- Wala ng buhay ng matagpuan ang isang 60-anyos na lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Brgy Binahaan Pagbilao, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Hilario Dequiros Obniala, 60-anyos, magsasaka ,residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag alaman na una ng inireport ng Brgy Kagawad na si Ramon Tiñana Glodoviza ang nasabing krimen, kung saan agad namang rumesponde ang mga otoridad.

Una umanong nakita ng kapitbahay ng biktima na kinilalang si Archie Deleon Labrador, ang wala ng buhay na katawan ng biktima sa loob ng kanyang bahay.

Napagalaman na nagtamo ng mga saksak sa leeg at dibdib ang biktima resulta ng agarang kamatayan nito, habang agad namang nakatakas ang suspect dala ang patalim na ginamit sa pagsasakatuparan ng nasabing krimen.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad mula sa mga kapitbahay ng biktima, may ilang ingay umanong narinig ang mga ito mula sa bahay ng biktima ngunit isinawalang bahala lamang ng mga ito.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing krimen, habang patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng nasabing suspect.