-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakaburol na ngayon ang bangkay ng isang lolo, residente ng Sitio Pangi, Brgy. Basiawan, Sta. Maria, Davao Occidental na namatay matapos umanong matamaan ng kidlat.

Ayon sa Sta. Maria Municipal Disaster Risk Reduction and Management Center (MDRRMC), malakas ang ulan ng patungo ang matanda sa kanyang sakahan na nakilalang lamang na si alyas Arthuro, 66.

Bigla na lamang umanong kumidlat at natamaan ang biktima na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Nagsasagawa pa rin ngayon ng dagdag na imbestigasyon ang otoridad matapos ang nasabing insidente.

Agad naman na nagpaabot ng tulong at pakikiramay ang lalawigan ng Sta. Maria, Davao Occidental sa mga naiwang pamilya ng biktima.