-- Advertisements --
DAVAO CITY – Patay sa sunog ang isang lolo na mahimbing na natutulog sa kanyang bahay ng mangyari ang insidente sa Barangay Tuban Sta. Cruz Davao del Sur.
Sa imbestigasyon ng Sta. Cruz Municipal Police Station, hindi nakalabas sa kanyang bahay ang biktima na nakilalang si Ereneo Camungay, 60 anyos ng mangyari ang sunog.
Sinubukan pang iligtas ng kanyang kapatid na si Nestor Camunggay ang biktima ngunit mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa light materials ang shanty ng biktima.
Hindi na umano nagising si Ereneo ng tawagin ng kanyang kapatid na mahimbing pagkakatulog nito.
Una ng sinabi ng otoridad na nasunog na rin noong 2019 ang bahay ng biktima ngunit agad itong naagapan.