CEBU CITY – Nakatakdang sampahan ng kasong parricide ang isang lolo matapos nitong patayin ang kanyang asawa sa Brgy Sapangdaku lungsod ng Cebu dahil sa matinding selos.
Ang suspek ay kinilalang si Leonides Roble, 63, samantalang ang biktim naman ay kinilalang si Calixta, 59-anyos.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Captain Dexter Basirgo, hepe ng Guadalupe Police station, sinabi nito na nagalit umano ang suspek matapos daw mahuli ang kanyang asawa na sumusiping sa kanyang kumpare noong nakaraang linggo.
Sinabi pa umano ng suspek na kung hindi rin naman mapapasakanya ang kanyang asawa ay mabuti pang patayin na lamang nito upang sa gayon ay walang ibang makakangkin dito.
Pinalabas daw ng suspek na nagpakamatay ang kanyang asawa nang matagpuan ito ng Guadalupe PNP noong Lunes nga gabi.
Pero natukoy ng pulisya na mayroong foul play sa naturang krimen.
Mayroon ring witness na nakakita kay Leonides na lumabas sa bahay ng biktima at mistulang nagmamadali.
Nnang mahuli ng mga pulis, inamin naman ng suspek ang ginawa nito.
Sinakal daw niya ang biktima gamit ang dala nitong lubid hanggang sa tuluyan na itong namatay.
Nang masuigurong hindi na humihinga ang asawa ay saka nito tinali ang lubid sa ibabaw ng higaan ng bitima upang palabasin na nagpakamatay ito.
Napag-alaman na matagal ng hiwalay ang mag asawa dahil rin umano sa pagiging seloso ng suspek.