-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Kaawa-awa ang sinapit ng isang senior citizen sa kamay ng kanyang kainuman sa Sitio Tuganay, Brgy. Mindagat, Malitbog, Bukidnon.
Kinilala ang biktima na si Rafael Ventura, 68, isang magsasaka at residente sa naturang lugar, habang ang suspek naman ay ang kapitbahay nito sa si Julie Yagsang.
Sinabi ni PCpt. Jaemar Paguidopon, hepe ng Malitbog Police Station na nag-iinuman ang dalawa nang biglang tinaga ng suspek ang biktima gamit ang karit at muntik maputol ang leeg nito.
Ayon kay Paguidopon, maging ang asawa ng biktima ay hindi pinalagpas ng suspek na nasugatan rin sa insidente.
Agad namang nahuli ang suspek at nakatakdang sasampahan ng kasong homicide at frustrated homicide.