-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang lolo matapos lunurin ang sarili sa dagat sa Barangay Calayab dito sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ang biktima na si Santos Mariano, 69-anyos, residente sa Brgy. 27 dito rin sa nasabing lungsod.

Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Laoag kay Barangay Chairwoman Madelyn Padayao sa Barangay Calayab, hindi na humihinga ang biktima noong maiahon mula sa dagat at lumaki na rin ang kanyang tiyan.

Napag-alaman na bago nagpakamatay ang biktima ay nagtext muna siya sa mga anak at sinabing magpapakamatay na ito.

Matapos maiahon sa dagat ang biktima ay tinangka pa ring irevive ng mga nagrespondeng otoridad subalit hindi sila nagtagumpay.

Lumalabas na nagpakamatay ang lolo dahil umano sa depresyon pero hindi na idinetalye pa ng mga anak nito kung anong problema ng kanilang ama.