-- Advertisements --

NAGA CITY- Sugatan ang isang lolo matapos pagtatagain ng kainuman sa Calabanga, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ramon Perillo, 68-anyos, residente ng Zone 2, Sitio Labog Barangay Paolbo, sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Rodolfo Borromeo, OIC ng Calabanga Municipal Police Station, sinabi nito na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Aniceto Dela Paz, 52-anyos, nang walang ano’y nagkaroon ang mga ito ng mainit na pagtatalo.

Nabatid na pinagyayabang umano ng suspek ki Perillo na marunong itong magkarate kung kaya hinamon naman ito ng biktima na patunayan ang sinasabi ng suspek.

Ngunit, sa halip na karate ang ipakita ni Dela Paza, sundang umano ang kinuha nito at dito na nito pinagtataga ang biktima.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek gayundin ang bolong ginamit sa krimen para sa kaukulang disposisyon.