-- Advertisements --

Kinansela muli ng London ang kanilang New Year’s Eve fireworks show dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito na ang pangalawang taon na pagkansela sa aktibidad na ginaganap sa River Thames.

Sinabi ni London Mayor Sadiq Khan na wala pa ring katiyakan ang dala ng nasabing COVID-19 kaya nagdesisyon sila na kanselahin ito.

Nagpaplano na lamang sila ng ibang aktibidad para patuloy pa rin nilang maipagdiwang ang nasabing okasyon.