-- Advertisements --

Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang lone bettor mula Tondo, Maynila, ang nakasungkit ng P210.7 million jackpot prize sa Grand Lotto 6/55.

Ang nasabing draw ay ginanap nitong Lunes na may winning combination na 02-04-06-08-24-01.

“The bet was placed at a lotto outlet along Hermosa Street in Manuguit, Tondo,” saad ng PCSO.

Samantala, ang 12 bettors naman na nakuha ang lima mula sa anim na winning combination ay mag-uuwi ng mahigit P12,000 bawat isa.

Habang tig-P310 ang 4,018 bettors na nakuha ang apat sa anim na winning numbers.