-- Advertisements --

LONE CEBUANO TOPNOTCHER SA KAMAKAILANG INILABAS NA RESULTA NG 2025 MEDICAL TECHNOLOGISTS LICENSURE EXAMINATION
Unread post by STARFMCEBUNEWS » Sat Apr 05, 2025 7:06 pm

LONE CEBUANO TOPNOTCHER SA KAMAKAILANG INILABAS NA RESULTA NG 2025 MEDICAL TECHNOLOGISTS LICENSURE EXAMINATION, ITINUTURING NA “ANSWERED PRAYER” ANG NAKAMIT; MGA MEDTECH, INILARAWAN NAMAN NITONG ‘HIDDEN HEROES’ SA HEALTHCARE TEAM

Puno ng tuwa at saya ang naramdaman ng isang Cebuano topnotcher sa kamakailang inilabas na resulta ng March 2025 Medical Technologists Licensure Examination.

Si Jherry Andrei Arbotante na nagtapos bilang Magna Cum Laude sa Velez College at residente nitong lungsod ng Cebu ay tanging Cebuano na nakapasok sa TOP 10 at nagrank 1 matapos nakakuha ito ng rating na 92.30%.

Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cebu kay Arbotante, ibinahagi nito na expected na aniyang makapasok sa Top 10 ngunit hindi pa niya umano akalaing mangunguna, kaya laking-gulat nalang nang malaman ang resulta at itinuturing niya itong isang ‘answered prayer.’

Sinabi pa ng 23 anyos na isa sa mga nagpalakas ng kanyang loob ay ang matibay na paniniwala at pananalig nito sa Poong Maykapal, lalo na sa kanyang pamilya, kaibigan at sa lahat ng mga taong sumusuporta at totoong nagmamahal sa kanya.

Inilarawan pa ng binata ang mga MedTech na bilang ‘hidden heroes’ at binigyang-diin ang kahalagahan ng papel nito sa pag-aalaga ng mga pasyente kasabay ng pag-asang ang tagumpay na nakamit ay isang hakbang tungo sa kanilang pagkilala sa hanay ng masa.

Payo naman nito sa mga gustong tahakin ang Medical Technology na higit sa lahat ay mahalin at alagaang mabuti ang sarili lalo na ang utak na siyang nagbibigay ng karunungan.

Sa ngayon, balak umano nitong ipagpatuloy ang medical school upang mas makatulong sa kapwa at maging isang ehemplo sa lahat ng estudyante at takers.

Samantala, kinilala ng Professional Regulation Commision(PRC) ang Velez College Incorporated bilang 4th Performing School sa buong Pilipinas na may 80.26% na national passing rate at college passing rate naman na 98.38%.