-- Advertisements --
image 321

Ipinakita ng Iranian government ang long-range missile nito, na may kakayahang lumipad ng 2,000 km.

Ang nasabing missile ay 4rth generation Khorramshahr ballistic missile at tinawag na Khaibar.

Maliban sa kakayang lumipad ng mahabang distansiya, taglay ng nasabing missile ang 1,500kg na warhead

Ginawa ng Iran ang pagpapalakas sa militar nito sa likod ng pagtutol ng US at European countries. Sa kasalukuyan kasi ay lalo pang pinalawak ng nasabing bansa ang missile programme nito, lalo na sa prouksyon ng ballistic missile.

Pinangunahan naman ni Iran defence minister Mohammad-Reza Gharaei Ashtiani ang unveiling sa nasabing missile.