Bumuhos ang katanungan ng nakararami patungkol sa paglabas ng mga imahe mula sa isang satellite, kung saan makikita na sinisimulan muli ng North Korea ang pagtatayo ng bahagi ng isang misile launch site na una ng ginamit upang magsagawa ng long-range missile engines.
Sa isang pahayag na inilabas ni South Korean lawmaker Lee-Hye Hoon, kinumpirma nito na mayroon ngang restoration sa nasabing gusali at Tongchang-ri.
Itinuturing ang Tongchang-ri bilang isa sa pinakakilalang missile component development facilities sa loob ng North Korea.
Hinihinalang sinimulan naman agad ang restoration matapos ang maagang pagtatapos ng ikalawang meeting nina North Korean leader Kim Jong Un at US President Donald Trump sa Hanoi.
Samantala, hindi pa naglalabas ng statement ang Central Intelligence Agency (CIA) kaugnay ng mga naglabasang litrato.