Magtatalaga ng bagong head coach ang Samahang Basketball ng Pilipinas para sa Gilas Pilipinas na mamumuno sa pambansang koponan.
Ayon kay Erika Dy SBP executive director, simula ng natapos ang Asian games ay may ginagawa na silang hakbang para bumuo ng magandang programa para sa koponan.
Isa na nga dito ay ang pagtatalaga ng bagong long-term coach para mag-focus sa mga darating na tournament.
Ang mapipiling head coach ay hahawak sa posisyon ng apat na taon at siya din ang pipili ng bagong pool players.
Sa ngayon, isa sa mga lumulutang na mga pangalan na posibleng mag-take over para sa coaching position ay sina Tim Cone, Norman Black at Tab Baldwin.
Matatandaang nanalo ang Gilas Pilipinas kontra Jordan matapos ang 61 taon, kung saan nasungkit nito ang gintong medalya sa men’s basketball sa 19th Asian Games na ginaganap sa Hangzhou, China.