CENTRAL MINDANAO-Prayoridad ng Bangsamoro Government ang kapakanan at Seguridad ng taumbayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Bago lang ay nagpulong ang mga opisyal ng Bangsamoro Public Order and Safety kasama ang mga law enforcers sa Bangsamoro region upang balangkasin ang long term solution sa peace and security issue sa BARMM.
Buod at pinakalayunin ng pagpupulong ay mabuo ang isang mekanismo na maresolba ang alitan o rido ng mga magkaaway na pamilya o grupo na nagsulot ng karahasan sa rehiyon.
Kasama na ang pagsawata ng mga loose firearms, pagbuwag sa private armed groups, pagsugpo sa illegal drugs at lahat ng uri ng kriminalidad.
Hiniling ni peace and security Minister Hussein Muñoz ang tulong ng lahat para mangibabaw ang katahimikan at matigil ang mga karahasan na nagiging hadlang sa pag-unlad ng isang bayan sa Bangsamoro.