-- Advertisements --

Naniniwala si House Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin na kailangan na ng long-term solution upang matuldukan ang problema sa malnutrition.

Ayon sa mambabatas ang problema sa malnutrition ay magkakaugnay sa pagkakaloob ng ligtas na tubig.

“Another problem is the availability of safe water because this has contributed a lot to many patients [as there are children who experience diarrhea due to drinking of unsafe water,” pahayag ni Garin.

Nanawagan din si Garin na bigyang suporta ang mga rural na lugar sa backyard farming upang matiyak na ang mga bata ay magkakaroon ng masusustansyang pagkain.

Binigyang-diin ng dating health secretary na isa sa pinakamalaking problema kaugnay ng malnutrisyon ay nag-ugat sa kakulangan ng nutrisyon ng mga buntis dahil ang nutrisyon ng mga bata ay nagsisimula sa paglilihi.

Ayon sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), araw-araw, 95 bata sa Pilipinas ang namamatay dahil sa malnutrisyon at dalawampu’t pito sa 1,000 batang Pilipino ang hindi nakakalagpas sa kanilang ikalimang kaarawan.

Dagdag pa ng Kongresista, ang mga kaalamang natamo mula sa mga pagsasanay at seminar na may kaugnayan sa nutrisyon ay dapat magkaroon ng aktwal na pagpapatupad dahil ito ay magkakaroon ng positibong epekto sa pagtugon sa mga problema ng malnutrisyon.

Ang Department of Health (DOH) at UNICEF ay lumagda ng partnership para palakasin ang kalusugan sa bansa upang matugunan ang malnutrisyon.