-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ng Office of the Civil Defense ang iba’t-ibang mga long-term solutions para tugunan ang mga pagbahang nararanasan ngayon sa ilang bahagi ng atin bansa.

Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, batid ng kanilang ahensya ang mga pagsubok at problemang dapat na agad na matugunan partikular na sa mga nararanasang malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng ating bansa.

Aniya, dahil dito ay nagtutulungan ngayon ang mga ahensya ng pamahalaan, mga lokal na pamahalaan, maging ang mga pribadong sektor, eksperto, at iba pa upang tugunan ang naturang mga suliraning dulot ng baha.

Paliwanag ni Nepomuceno, kinakailangang mas mapatiby pa ang ginagawang interventions ng pamahalaan at maging ang ipinapatupad na long-term solutions nito hinngil sa nasabing usapin.

Ito aniya ay maaaring kabilangan ng muling pagrerebisa at pagbuo ng mga bagong polisiya at plano na magko-cover sa ahat ng major river basin sa bansa; paghihigpit sa mga aktibidad ng tao na nagsasanhi nito tulad ng iresponsableng pagmimina; environmental protection; improvement ng mga flood-control projects at iba pang mga engineering interventions, at permanent relocation ng mga vulnerable communities.

Ang pahayag na ito ay sa gitna ng nararanasang malawakang pagbaha sa lalawigan ng Davao at iba pang mga lugar na dulot naman ng shearline, at trough ng low pressure area.

Kaugnay nito ay tiniyak ng OCD na patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan nito sa lahat ng mga relevant agencies ng gobyerno para sa agarang pagresponde, at pagpapaabot ng tulong sa lahat ng mga apktadong komunidad alinsunod na rin sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.