-- Advertisements --

Inaasahan umano na itatalaga ni Presumptive President Joe Biden ang kaniyang longtime adviser na si Antony Blinken bilang bagong secretary of state ng Estados Unidos.

Si Blinken, 58-anyos, ay dating nagsilbi bilang deputy secretary of state sa ilalim ni dating US President Barack Obama. Sinimulan nito ang kaniyang career sa State Department noong Clinton administration.

Dahil sa kaniyang extensive foreign policy credentials ay inaasahan na malaki ang maitutulong ni Blinken upang pakalmahin ang American diplomats at global leaders matapos ang apat na taong pagigng magulo umano ng mga stratehiya ni President Donald Trump para pangalagaan ang Amerika.

Sa loob ng dalawang dekada ay nagsisilbi na ito para kay Biden kung saan naging top aide pa siya ng Senate Foreign Relations Committee at kalaunan ay naging national security adviser ni Biden noong siya pa ang bise presidente ng US.

Kabilang sa kaniyang magiging bagong papel ay re-establishmnet ng US bilang mapagkakatiwalaang ka-alyado na handang makiisa mula sa global agreements at institutions, kasama na rito ang ilan sa kasunduan na tinalikuran ni Trump tulad ng Paris climate accord, Iran nuclear deal, at World Health Organization (WHO).