-- Advertisements --
Nagpasya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na iurong sa Agosto 23, 2024 ang non-working holiday na Ninoy Aquino.
Sa inilabas na Proclamation No. 665 nakasaad na imbes na sa Agosto 21, 2024 ay magiging Agosto 23 para sa mas mahabang weekend.
Nangangahulugan nito na magiging apat na araw ang walang pasok dahil sa Agosto 26 ay regular holiday dahil sa obserbasyon ng National Heroes’ Day.
Nakasaad sa Proclamation 665 na ang pagkakaroon ng mas mahabang weekend ay magsusulong ng domestic tourism.
Inatasan na rin ng Pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng circulara para sa implementasyon ng proclamation para sa mga pribadong sektor.