-- Advertisements --
eiffel tower
Eiffel Tower

Puspusan na ang paghahanda ng mga manggagawa sa muling pagbubukas ng isa sa pinakasikat na tourist landmark sa buong mundo na Eiffel Tower.

Kung maalala pansamantala munang isinara sa mga turista ang iconic landmark mula ng isailalim sa lockdown ang France noong buwan ng Marso.

Ang pagsasara sa Eiffel Tower ay maituturing na pinakamatagal mula pa noong World War II.

Gayunman ang 324-meter (1,063-feet) iron tower ay magiging limitado lamang para sa mga turista ang reopening sa June 25.

Hindi pa rin kasi pagaganahin ang mga elevators kung saan ang first at second floor lamang ang magiging accessible sa publiko.

Inabisuhan din ang mga turista na ang mga 11-anyos na mga bata ay kailangang magsuot ng face masks at magkakaroon din ng crowd control measures.

Sinasabing bumagsak ng 80 porsyento ang turismo ngayon kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Samantala, pinayuhan naman ang mga bibisita sa City of Lights na kailangan munang magpa-book bago dumiretso sa Eiffel Tower.