-- Advertisements --
Mararanasan ngayong araw ang “summer solstice.”
Nangangahulugan ito na magkakaroon tayo ng pinakamahabang araw at pinakamaikling gabi sa taong 2024.
Batay sa Astronomical Diary ng Department of Science and Technology (DOST), direktang tataas ang araw sa declination na 23.5° sa hilaga at nakaposisyon sa may Constellation Cancer.
Para sa mga eksperto, ang positioning signals na ito ay nagpapakita ng summer sa northern hemisphere at winter naman sa southern hemisphere.
Sinasabing ang actual duration ng daylight ay iba’t-iba pa rin sa bawat panig ng mundo.
Agad namang nilinaw ng DOST na walang katotohanan na may mga malalaking weather phenomenon na dala ang summer solstice.