-- Advertisements --

Bakas sa outgoing Miss Universe na si Zozibini Tunzi ng South Africa ang magkakahalong emosyon, isang araw bago nito ipasa ang prestihiyosong korona.

Sa final photoshoot nito bilang Miss Universe, nariyan ang pagiging kalog ni “Zozi” kung saan todo ngiti ito ngunit sabay biro na ayaw pang isuko ang korona.

Miss U outgoing titleholder
screen grab from Miss U’s Facebook page

Kung maaalala, ang nasabing pangatlong South African Miss Universe ang naging “successor” ng Bicolana Miss Universe na si Catriona Magnayon Gray sa coronation na ginanap sa Atlanta, Georgia noong 2018.

Nabatid na binansagan si Zozi bilang longest-reigning Miss Universe mula noong 2019. Matatandaang hindi nagdaos ng Miss Universe 2020 dahil naabutan ng coronavirus pandemic.

Naging ka-batch naman nito sa Pinay beauty noong 2019 coronation si Gazini Ganados na nagtapos sa Top 20.