Agaw pansin ngayong pagdiriwang ng 2024 Araw ng Kalayaan at ika-125 Anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas ng 1899 ang “Longest Stamps” na isang bid para sa Guinness World Records.
Itinuturing na pinakamahabang Selyo ng Pilipinas, ang sheetlet strip ng tatlong (3) stamp na ay may sukat na 200mm by 35mm na una sa uri nito na inisyu ng PHLPost.
Pinamagatang “Philippines: First Republic in Asia”, ang kakaibang selyo.
Ito ay malinaw na naglalarawan sa pagiging bansa ng Pilipinas mula sa makasaysayang proklamasyon ng Kalayaan noong Hunyo 12, 1898 hanggang sa deklarasyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1901.
Nagtatampok ang mga commemorative stamps ng mga historical events, kabilang na ang deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas noong 1898, ang pagdating ni Aguinaldo sa Malolos Bulacan, ang inagurasyon ng unang Republika ng Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain noong 1899, ang Philippine American War, ang odyssey ni Aguinaldo sa Northern Luzon kasama ang kababaihang nag-aalaga sa mga sugatan, si Apolinario Mabini sa Pangasinan at ang pagdakip kay Aguinaldo sa Isabela ngunit ang iba ay nagpatuloy sa pakikipaglaban para sa kalayaan noong 1901.
Sa loob ng mga selyo ay ang mga larawan ng Philippine Revolutionary Government Postage Stamps at ng Philippine Revolutionary Government Postage and Telegraph Registration Stamps na inisyu noong makasaysayang panahon.
Ginawa ng PHLPost ang mga ito sa pamamagitan ng natatanging selyo na binibigyang-diin ang Pilipinas bilang isang beacon ng kalayaan, demokrasya at republika sa Asya.
Ang PHLPost postage stamp ay magiging available sa publiko sa Manila Central Post Office compound sa Lawton, Manila simula ngayong araw.
Ang kagandahan, pagiging natatangi at espesyal na kahalagahan ng mga selyo sa paggunita ay patuloy na umaani ng magagandang remarks mula sa mga kolektor.
Naka-print ang PHLPost ng 9,000 piraso ng strip ng tatlong (3) selyo na ibebenta sa halagang P125 bawat isa habang ang opisyal na first day cover envelope (size ay 25cm x 19cm) ay naka-print sa 400 piraso.
Ang pintor na si Roderick “Derrick” C. Macutay ay nagdisenyo ng mga selyo na may layout ni Jose Antonio A. Jayme ng PHLPost. Ang mga selyo ay may iridescent na tinta (espesyal na embellishment) sa lahat ng mga figure.