-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Looc, Occidental Mindoro.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ito ala-1:12 nitong madaling araw ng Lunes, Setyembre 27 at ito ay tectonic in origin.
Naramdaman naman ang magnitude 5 sa Tagaytay City, at sa Amadeo, Cavite.
Intensity 4 naman ang naramdaman sa Malolos City at Obando sa Bulacan; General Trias at Tanza sa Cavite; San Juan City,lLungsod ng Maynila, Marikina City at San Mateo, Rizal.
Intensity 3 naman ang nagrehistro sa Pasig City, Makati City, Valenzuela City at Antipolo City sa Rizal.
Intensity rin ang naitala sa Palayan City, Nueva Ecija.
Dahil sa lakas ay inaasahan ng PHIVOLCS ang danyos at mga aftershocks.