Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Immigration (BI) na asikasuhin ang paglalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) sa halos 2,000 heinous crime convincts na napalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA).
Ito ang sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra matapos humarap sa pagdating ng Senado hinggil sa implementasyon na batas.
Naisumite na raw ng DOJ sa Immigration ang listahan ng nasa 1,914 convicts na pinalaya.
Una ng sinabi ni Guevarra na hindi bababa sa 10 heinous crime convincts ang nais sumuko at nagpahayag ng kahandaang ipa-recompute ang kanilang GCTA sa mga otoridad.
Binigyan lamang ng 15 araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga napalayang heinous crime convincts para sumuko at paglalabas ng P1 million pabuya sa mga makapagtuturo ng kanilang kinaroroonan.